INUPAKAN ng madlang pipol ang singer-composer na si Jim Paredes matapos itong mag-post sa Twitter ng isang litrato ni President-elect Rodrigo Duterte na nakapatong sa imahe ng Sto. Niño na may nakasulat na, “TATAY DIGONG LOVES YOU. HE IS YOUR ONLY HOPE AND SAVIOUR.”
Nilagyan niya ito ng caption na: “I now reject the Son of God from Davao. I believe Duterteronomy as my bible.” Ayon sa mga netizen, isang pambabastos na ito sa imahe ng santo. Obvious daw na hindi pa rin maka-move on ang veteran singer sa pagkatalo ng manok niyang si Mar Roxas. Resbak ng isang supporter ni Digong, “Di pa kayo natauhan? antay na lng kayo sa sunod na halalan.. magsikap na kayo ngayon para manalo manok nyo yellowtards!”
“Hayaan mo na yan sya, middle aged crisis lng cguro si Lolo Jim. Hindi na alam ang tama sa mali.”
Talagang nakipagsagutan pa si Jim sa kanyang bashers, hindi ito nagpatalo sa mga nagsabing tuta siya ni Mar at ni Pangulong Noynoy. Sinabi pa niya na hindi raw Sto. Niño ang ginamit niya sa photo kundi isang character sa pelikulang “300”.
Pero sagot ng isa niyang follower, “@Jimparedes with that crown, eh Sto. Niño po talaga yan eh. Nakakatanda po kayo, wag nyo naman pong lokohin mga batang gaya ko. Alam ko po sa nakita kong imahe na pinost nyo hindi naman buhok yung ‘kulot’ kundi yung tela.” Sabi pa ng isang palabang netizen, “@Jimparedes if you don’t respect Pres. Duterte, you should have at least respect the image of Sto. Niño.”
Marami pa kaming nabasang komento laban kay Jim Paredes na puro below the belt na kaya hindi na natin isusulat. Pero feeling namin, hindi naman apektado ang beteranong singer at composer sa mga bumabatikos sa kanya dahil talagang sinasagot niya ang mga ito.