HINAMON ng ace comedian na si Michael V. ang mga sasali sa season 2 ng Lip Sync Battle Philippines.
Aniya, dapat daw mas paghandaan ng mga celebrity contestants ang kanilang magiging performances at siguraduhing karerin ang bawat laban dahil paniguradong mas titindi ang labanan sa pinakabagong season ng programa.
“Review na para kayong mag-e-exam. Panoorin ninyo yung mga ginawa at mga hindi ginawa nu’ng previous na battles at learn from there. I’m sure yung mga nanalo kasi yung parang matagal na nilang na-imagine na gagawin nila or gusto nilang gawin tapos hindi nila nagagawa.
“At nagkaroon sila ng pagkakataon dito kaya lumabas yung killer instinct. Yung talagang ka-career-in ko to. Yun nga yung sinasabi ng iba na expression na ‘I will kill this’ talagang yun yung ginawa nu’ng mga nanalo,” sey ni Bitoy.