Tabal pasok sa Rio Olympics pero…

By Angelito Oredo May 31,2016
share this

Tabal pasok sa Rio Olympics pero…

By Angelito Oredo May 31,2016
share this

tabal

NAKAPASA sa Olympic standard ng marathon ang Milo Marathon queen na si Mary Joy Tabal matapos na makapagtala ng personal best time na 2 oras, 43 minuto at 41 segundo nitong Linggo sa Scotia Bank Marathon sa Ottawa, Canada.
Gayunman, nanganganib na hindi siya makatatakbo sa 2016 Rio Olympics sa kadahilanang umalis siya bilang miyembro ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa), ang opisyal na grupo na kinikilala ng Philippine Olympic Commitee (POC).
Gayunman, nangako pa rin ang Patafa na tutunungan ang 26-anyos na si Tabal para mairepresenta ang bansa sa Rio Olympics na gaganapin mula Agosto 5 hanggang 21.
“Tutulungan namin siya, pinaghirapan naman iyan ng bata” sabi ni Patafa secretary general Renato Unso. “Maayos naman ang naging pag-alis niya sa Patafa at nagresign siya sa pagiging national team member dahil sa personal niyang dahilan.”
Si Tabal, na tatlong ulit na nagkampeon sa National Milo Marathon, ay dapat sana’y kasama sa mga priority athletes ng Philippine Sports Commission (PSC) subalit mas pinili nito na magsanay sa Cebu dahil sa may sinasanay itong mahigit na 500 out-of-school youth at street children sa long distance running.
Nasapawan ni Tabal ang 42.195-kilometer national record ni Jho-ann Banayag na 2:44.41 segundo na itinala ng Dabawenya noong 2007 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Ibinaba ng International federation na IAAF ang women’s marathon qualification time mula sa dating 2 oras at 42 minuto sa 2 oras at 45 minuto.
Ipinaliwanag naman ng coach ni Tabal coach na si Philip Duenas na ang Ottawa meet ay isang gold standard sa kategorya ng IAAF kaya pasado ito sa requirement para makapag-qualify sa Rio. Ang pinakahuling araw para sa qualification ay sa Hulyo 11.
Tumapos si Tabal sa ikawalong puwesto sa kababaihan sa naturang takbuhan sa Canada. —Angelito Oredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending