Uunlad na ba sa ikalawang pag-aabroad?

Sulat mula kay Lawrence ng Subang, Mandaue City,  Cebu
Dear Sir Greenfield,
Taong 2013 ng ako ay mag-abroad at nakaipon ng kanuting pang-negosyo. Ang kaso naubos ang naipon ko ng magkasakit ang misis ko, pero okey na siya ngayon. Kaya lang sa tuwing maiisip kong natunaw lang dahil sa pagkakasakit ng misis ko ang aking mga naipon at nalugi pa ang negosyo ko naluluha ako sa nangyari sa buhay namin. Sa ngayon 38 na edad ko at nais ko sanang mag-aplay muli. Itatanong ko lang sana kung muli ba akong makapag-aabroad at maibabalik ko ba ang mga nawala sa akin? At uunlad pa kaya ako sa ikalawang pag-sakay ko sa barko kung sakalin matutuloy ako? Ako po ay isang seaman at may offer pa naman sa akin kahit na papaano ang dating shipping company na pinapasukan ko. February 26, 1978 ang birthday ko.

Umaasa,
Lawrence ng Mandaue City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Matapos huminto ang Fate Line (Illustration 1. 1-1 arrow 1. at 2), muli itong kumapal at gumanda. Ibig sabihin, kahit na nagkandalugi-lugi ka, nagkasakit pa ang misis mo at halos masimot nga ang iyong naipon, umasa kang darating uli ang saktong panahong muling ibabalik sa iyo ng tadhana ang mga nawalang materyal na bagay na magsisimulang mangyari at maganap sa susundod na taong 2017 sa edad mong 39 pataas.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Nine of Hearts at Ace of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). At sa bagong simula sa taong 2017 sa edad mong 39 pataas, sa tulong ng isang babae na makikilala mo rin sa abroad, lalong gaganda at uunlad ang inyong kabuhayan, hanggang sa tuluyang mabalik uli ng doble at mas marami pa ang mga material na bagay na nawala sa iyo.
Itutuloy…

Read more...