Jaclyn Jose maraming pasabog sa ‘Tunay Na Buhay’

jaclyn jose

NGAYONG Miyerkules, tampok sa Tunay Na Buhay si Kapuso actress Jaclyn Jose. Kilala sa kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon man o sa pelikula, ginawaran kamakailan si Jaclyn ng Best Actress award ng prestihiyosong Cannes Film Festival sa France.

Ang ina ng aktres na si Andi Eigenmann ay nagawagi sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’ Rosa”, ng batikang direktor na si Brillante Mendoza.

Samahan si Rhea Santos ngayong Miyerkules upang tuklasin ang kuwento ng buhay at tagumpay ni Jaclyn sa Tunay Na Buhay, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Samantala, magsisimula na rin sa darating na Huwebes ang bagong sex comedy show ng GMA 7 na A1 Ko Sa Yo na pagbibidahan ng Cannes 2016 best actress with Gardo Versoza and Solenn Heussaff.

Read more...