Mocha Uson binantaan si Leni Robredo kaya bugbog-sarado sa madlang pipol

mocha uson at leni robredo

KUMBAGA sa away-kalye ay starter itong si Mocha Uson. Siya ang nagpapasimuno, kaya nagkakaroon ng gulo, siya ang tagakasa ng away. Minsan nang napagitna sa isyu ang seksing lider-lideran ng Mocha Girls nang pakialaman niya ang disposisyon ni Gloc 9 na kumanta sa kampanya ni VP Jejomar Binay.

Inupak-upakan niya nu’n ang rapper, parang napakalaking krimen na ang ginawa nitong pag-akyat sa entablado ng kalaban ng minamanok niya sa panguluhan, pinakain ng apdo ng ating mga kababayan si Mocha.

Pero talaga yatang masaya ang babaeng ito kapag maraming nagagalit sa kanya, umariba na naman siya, si VP Leni Robredo naman ngayon ang kinakalampag niya. Kailangan daw ilaglag na ng bagong bise-presidente ang pakikipag-alyado nito sa Liberal Party. Kailangan din daw makipagtrabaho nang maayos ng bagong VP kay President-elect Rodrigo Duterte.

Huwag na raw tatangkaing agawin ni VP Leni ang posisyon ni Pangulong Digong na bayan ang nagbigay, kailangan daw umayos ni VP Leni, dahil kung hindi ay aalsa sila ng kanyang mga kaalyado para tanggalin sa posisyon ang bagong VP ng ating bayan.

Ano’ng napala ng matabil na dila ng babaeng ito? Ayun, drum-drum na apdo at sili ang ipinakakain sa kanya ngayon sa social media. Ikinukumpara siya sa langaw lang na natungtong sa likod ng kalabaw pero ang pakiramdam na ay mas mataas pa siya sa kanyang tinungtungan.

Read more...