At gaya ng inaasahan hindi dumating si Duterte— ang unang nanalo sa pagkapangulo na hindi dumalo sa kanyang proklamasyon sa ilalim ng 1987 Constitution.
Nauna ng sinabi ni Duterte na hindi siya dumadalo sa proklamasyon.
Dumating naman ni Robredo na dumalo muna sa misa bago pumunta sa Kamara de Representantes.
Walang pangangailangan sa ilalim ng batas na dumalo sa proklamasyon ang nanalo bagamat tinitignan ito bilang pagrespeto sa mga bumoto.
Tatlong araw lamang tumagal ang pagbibilang ng National Board of Canvassers sa mga boto na sinimulan noong Miyerkules.
Si Sen. Koko Pimentel ang tumayo upang basahin ang report ng joint committee.
Nakakuha si Duterte ng 16.6 milyon boto malayo sa pumangalawa na si Mar Roxas (9.978 milyon). Sumunod naman sina Sen. Grace Poe (9.1 milyon), Vice Presidente Jejomar Binay (5.416 milyon), Sen. Miriam Defensor-Santiago (1.455 milyon) at ang namayapang si Roy Seneres (25,779).
Sa pagkabise presidente nakakuha naman si Robredo ng 14.418 milyon dikit sa pumangalawa na si Sen. Bongbong Marcos na may 14.155 milyon.
Sumunod naman sina Sen. Alan Peter Cayetano (5.903 milyon), Sen. Chiz Escudero (4.931 milyon), Sen. Antonio Trillanes (868,501), at Sen. Gringo Honasan (788,881).
Nagpalakpakan ang mga tao sa gallery ng basahin ang botong nakuha ni Robredo.
Tumayo si Abakada Rep. Jonathan dela Cruz, kaalyado ni Marcos, sa sesyon at inihayag ang mga tanong sa katatapos na halalan.
“We have outlined in broad strokes what we believe are the tell tale signs of such vulnerabilities and we will, in the course of time and at the right venue, prove to one and at all that such indeed have endangered questionable result and unimaginable negative consequences,” ani dela Cruz.
Pasado alas-4 na ng ianunsyo ang proklamasyon sa sesyon.
Duterte absent sa kanyang proklamasyon
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...