NAGLAGAK ng P80,000 piyansa ang director na si Carlo J. Caparas para sa kanyang pansamantalang kalayaan kaugnay ng apat na counts na kasong tax evasion na inihain ng Department of Justice (DOJ).
Itinakda ng First Division ng Tax Court ang pagbasa ng kanyang sakdal sa Hunyo 22 para sa isa sa mga kasong kinakaharap, samantalang itinakda naman ang kanyang arraignment sa Hunyo 8 para sa tatlong iba pang kaso ng tax evasion.
Nauna nang inakusahan si Caparas ng kabiguang maghain ng kanyang income tax mula 2006 hanggang 2009.
Nabigo rin umano siyang ideklara ang kanyang kinita sa pagpo-produce ng “Ang Pangarap Kong Jackpot” na television drama ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Nahaharap din si Caparas sa apat na hiwalay na kaso ng tax evasion matapos umanong hindi magbayand ng buwis mula 2006 hanggang 2009 na aabot sa P101.8 milyon.
Carlo J. Caparas nagpiyansa na sa kasong tax evasion
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...