P120M jackpot sa Biyernes

lotto for site
Inaasahang aabot sa P120 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P113.1 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo ng gabi.
Lumabas sa pinakahuling bola ang mga numerong 6-44-36-54-32-29.
Nanalo naman ng tig-P280,000 ang dalawang mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas.
Tig-P2,810 naman ang 264 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 7,450 mananaya na nakatatlong numero.
Binobola ang Ultra Lotto tuwing Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...