BITBIT pa rin pala hanggang ngayon ng isang kilalang may edad nang babaeng pigura sa showbiz ang malaki niyang tampo sa isang aktres. Kapag naaalala niya ang maganda nilang pinagsamahan ay napapailing na lang ang may edad nang babae dahil sa kanyang pakiramdam ay i-pinagkanulo siya ng aktres.
Malalim ang pinagsamahan ng aktres at ng may edad nang babae, matindi ang kanilang pinagsamahan, alam na alam ng veteran personality ang lahat-lahat tungkol sa aktres. Kuwento ng kaibigan ng may edad nang babae, “Siya kasi ang takbuhan nu’n ni ____ (pangalan ng aktres) kapag may problema siya. Ang madalas niyang problema, e, pera. Palaging ganu’n, tinutulungan niya ang girl.
“Hanggang sa one day, nakilala ni aktres ang isang sikat na male personality. Through the ve-teran personality ‘yun. Nagkaigihan sila, naging magkarelasyon, pero tagung-tago nga lang dahil pamilyado na ‘yung sikat na male personality.
“Hindi makaalis nu’n ang girl nang hindi niya kasama ang kanyang mommy. ‘Yun na ang tawag niya sa veteran personality, matunog na mommy, dahil takbuhan nga niya ‘yung tao kapag nangangailangan siya ng datung!
“Sa ibang bansa sila nagkikita ng male personality, kailangang hindi dito, dahil siguradong sisingaw ang kuwento tungkol sa relasyon nila. At sino ang kasama-sama niya sa ibang bansa? Ang kanyang mommy!” kuwento ng aming source.
Nakinabang nang husto ang aktres sa relasyon nila ng sikat na male personality. Hindi na ito namroblema sa pera, nabayaran nito ang kanyang mga pagkakautang, may mga naipundar pa itong negosyo at properties dahil sa madatung na lala-king personalidad.
Pagtatapos ng aming impormante, “Pero ano ang ginawa niya nu’ng tapos na ang pakinabang niya sa ve-teran personality? Basta inetsapuwera na lang, kinalaban pa nga niya, walang utang na loob ang babaeng ‘yun!
“Para siyang nakahukay ng mina ng ginto sa friendship nila ng may edad nang babae, pero ginanu’n pa niya! Bradly Guevarra, tampalin mo nga ang babaeng ‘yan!”