KC sa relasyon nila ni Aly Borromeo: Kung Ano Ang Isipin N’yo…yun Na Yun!

kc concepcion at aly borromeo

“HAPPY ako sa lovelife ko ngayon!” Ito ang ipinagdiinan ni KC Concepcion nang tanungin kung kumusta na ang estado ng kanyang puso matapos umaming nagkakamabutihan na sila ng football player na si Aly Borromeo.

Ayon sa singer-actress, makulay ang personal na buhay niya ngayon at inspire uli siya sa lahat ng mga ginagawa niya ngayon sa kanyang career.

Aniya, wala naman daw kailangang itago sa kanyang lovelife pero nakiusap siya na huwag nang masyadong ibandera ang pakikipagrelasyon niya ngayon dahil hindi naman daw taga-showbiz si Aly.
Sey ni KC, gusto niya lang daw protektahan ang binata pati na rin ang privacy ng kanilang relationship.

Kamakailan ay nag-post pa si KC ng isang litrato kung saan magka-holding hands sila ng Azkals player. Sinuportahan nito ang boyfriend sa laro ng Azkals kontra Malaysia.
“First time ko to do something like that. It’s really freeing. Parang freedom siya,” pag-amin pa ng anak ni Megastar Sharon Cuneta.
In fairness, halos lahat ng fans at followers ni KC ay botong-boto kay Aly at i-pinagdarasal pa ang dalawa na sana’y magkatuluyan din sa huli at maging mag-asawa na.

“Nagugulat nga ako ang dami naming fans, eh. He’s not naman in showbiz but I guess with his football career na-follow rin siya ng football fans. It’s a nice feeling to have people become really happy for you,” sey pa ng dalaga.

Hirit pa ni KC, ayaw naman daw niyang ipagdamot sa kanyang mga tagasuporta ang kung anumang meron sila ni Aly, “I want to give them something also that would make them happy.
“Siguro more than that, I will just keep quiet na lang kasi he’s not naman in showbiz and it’s part of my life that’s actually private. Not secret – private,” chika pa ng ex-dyowa nina Piolo Pascual at Paulo Avelino.

Pahabol pa ni KC, “I’m really happy that he’s very supportive of me, my work and lahat ng ginagawa ko. He really makes me a better person.”
Ayaw pa ring bigyan ng label ni KC ang relasyon nila ni Aly, “I’d rather keep it that way. Ayoko na lang sagutin, kung ano na lang ‘yung isipin ninyo ‘yun nalang ‘yun.”

 

Read more...