Batch 2016: Graduate na rin si idol

graduate na si idol

SA kabila ng kanilang busy schedule sa mundo ng showbiz, napagtagumpayan pa rin ng ilan nating celebrities na maka-graduate ngayong taon.  Alam nating lahat na hindi biro ang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral, pero para sa ilan sa ating mga local artists, hindi naging sagabal sa pangarap nilang makatapos ang pagiging artista.

Narito ang mga maituturing na tunay na role model ng mga working students:

SIMON PINEDA: Mas kilala ngayon ang bagets bilang si Onyok sa serye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano, ang sidekick ni Coco Martin sa kuwento. Mismong si Coco ang nag-post ng litrato nila ni Onyok sa kanyang social media na proud na proud sa pagtatapos ng bata sa Kindergarten (Junior Nur-sery) sa RIC Children’s Learning Center Santa Cruz, Laguna.

“Ayos!!! Graduate na ang Partner ko at may medal pa!!!” ang caption ng Kapamilya actor sa nasabing photo.
Marami ring nakuhang awards ang bagets tulad ng “Mahusay sa Pagbasa,” “Mahusay sa Pagtula,” “Mahusay sa Pag-awit,” and “Mahusay sa Pagsayaw at Magiliw.”

JULIE ANNE SAN JOSE: Nakakabilib din ang determinasyon ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na makatapos ng college. Sa May 31 na ang graduation ng Kapuso singer-actress sa kursong Mass Communications sa Angelicum College. Hindi man napasama sa top honors, happy na rin si Julie Anne dahil kabilang siya sa Dean’s Listers ng kanilang batch.

Ayon kay Julie Anne, triple celebration ang mangyayari this year, dahil bukod sa kanyang graduation at birthday, ise-celebrate rin ng dalaga ang kanyang 10th anniversary sa showbiz.
“Graduation is gonna be one of the best gifts na matatanggap ko sa birthday ko, sa May!”

YNNA ASISTIO: Mas pinili ng anak nina Nadia Montenegro at Boy Asistio na i-prioritize ang kanyang pag-aaral. Nga-yong taon, ibinandera ni Ynna na natapos na niya ang kanyang kursong Broadcasting sa Centro Escolar University. Nga-yong buwan siya nakatakdang magmartsa para kunin ang kanyang diploma.

“Kung nagtuluy-tuloy lang po ako noon sa pag-aaral ko, matagal na akong nakatapos. I’m already 24 at nagpapasalamat ako na sa wakas, I will be graduating with a degree.
“Promise ko ‘yan sa parents ko. Na makakakuha ako ng college diploma kahit na pinagsasabay ko ang pagtrabaho sa showbiz. I feel proud dahil achievement ito para sa akin.”

ANDREI YLLANA: Natupad ng 17-year-old na binatilyo ang pangako niya sa kanyang parents na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na tatapusin muna ang kanyang high school bago tuluyang pasukin ang pag-aartista.

Sa kanyang Instagram account, ibinalita ni Aiko na naka-graduate na nga ang anak sa high school kaya proud na proud siya rito. “To our son @andreyllana, dada @jomariyllana @jickainmarthena are so proud of you…Your dad and I may not be toge-ther anymore but we made a pact that whate-ver happens we will become the best parents that we can be to you.”

“We may not be the perfect mom and dad for you but pls know that we are doing our very best to raise you the best way we can. You have always been the baby boy that I’ve ever dreamt of having… You were never a headache to me…You never complain on what I can only give and offer you…”
“I am so proud of how you have become, son. And I’m wishing nothing but the best on your next journey son… I will always be behind you no matter what happens.”

KLEA PINEDA: Matapos tanghaling StarStruck 6 Ultimate Female Survivor, hindi pa rin pi-nabayaan ng baguhang Kapuso youngstar ang kanyang pag-aaral. Isa si Klea sa mga nagtapos at dumalo sa Junior High School Completion Ceremony last March 22 sa Sto. Niño de Novaliches School.

ALEXA ILACAD: Handang-handa na ang Kapamilya youngstar sa pag-move up niya sa senior high school. In between her showbiz commitments, natapos na rin ng ka-loveteam ni Nash Aguas ang junior high school sa Treston Internatio-nal School.
At hindi lang niya basta natapos ang junior high school, nag-graduate rin siya with honors. Apat ang medalyang naiuwi ng dalagita dahil sa kanyang pagpupursige sa pag-aaral.

RICHARD GOMEZ: Bago pa man manalo bilang mayor sa Ormoc City, natapos na ni Richard Gomez ang kanyang Master of Business Administration degree sa University of Perpetual Help. Um-attend pa talaga ng graduation rites ang aktor-politician kasama ang kanyang asawang si Rep. Lucy Torres-Gomez at anak na si Julianna.

Bukod sa kanyang diploma, tumanggap din ng special award ang da-ting matinee idol para sa Best Thesis ng kanilang batch. Sa Instagram account ni Lucy, nag-post siya ng photo nilang mag-anak na may caption na: “Congratulations, my love. So proud of you!”

Read more...