Andi kay Jaclyn: Gusto kong maging katulad mo, nanay!

andi eigenmann at jaclyn jose

HANGGANG ngayon ay nasa cloud 9 pa rin si Andi Eigenmann sa naging experience niya sa katatapos lang na 2016 Cannes Film Festival na ginanap sa France.

Siyempre, proud na proud pa rin si Andi sa kanyang inang si Jaclyn Jose na nanalong Best Actress this year. Mukhang hindi pa nga sapat ang mga ipinost niya sa social media at mga nakaraan niyang interview tungkol kay Jaclyn at sa kanilang Cannes journey.

Sa kanyang Instagram account muli siyang nag-post ng message para sa kanyang mommy with a photo na kuha sa red carpet ng Cannes.

“Better late than never! Here we are waking up to a supposed wonderful blessing [that] turned into an opportunity that changed our lives forever. “The recognition my mother got is only sole proof of how outstanding she is at what she does, and I cannot be any more proud. I dream to be like you someday, Nanay,” dagdag pa ng aktres.

Read more...