Pumunta o hindi, proklamasyon ni Duterte tuloy

rodrigo duterte
Handa na ang lahat para sa gagawing proklamasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Camarines Sur Rep. Leni Robredo mamayang hapon.
At umaasa si House majority leader Neptali Gonzales II na darating si Duterte sa proklamasyon bilang pagkilala sa mandato na ibinigay sa kanya ng 16.6 milyong bumoto sa kanya.
“While incoming President Duterte’s absence would not affect the legality of his proclamation, I believe that the more than 16 million voters behind his victory would want him attending his proclamation in as winning President, a recognition of their (Duterte’s voters) support to him,” ani Gonzales.
Inamin naman ni Gonzales na tanging si Duterte lamang ang makapagsasabi kung pupunta siya o hindi.
“But of course we don’t want to pre-empt him. It’s his choice and prerogative not to come in Congress tomorrow and attend his proclamation. With or without his presence, we will proceed with the proclamation,” dagdag pa ni Gonzales.
Sinabi naman ni Gonzales na pupunta si Robredo na nanalo sa pagkabise presidente.
“Cong. Robredo will be here in Congress to attend the event to thank and honor the more than twelve million voters that supported her.”
Ngayong araw ay inaasahang pipirmahan ng 14 na miyembro ng National Board of Canvassers ang report na nagdedeklara sa panalo ni Duterte at Robredo.
Ang report ay aaprubahan naman ng magkahiwalay ng Senado at Kamara de Representantes sa ipinatawag na joint session.
“There will be also no problem on quorum because the joint session just suspended and will resume only tomorrow (Monday). Besides I don’t think somebody will spoil the historic event tomorrow (today) by questioning the possibility of lack of quorum,” dagdag pa ni Gonzales.

Read more...