They’re so much in love daw with each other.
Sobrang busy lang daw talaga ni Lloydie sa work kaya weekends lang sila nagkakasama pero they make sure daw na sinasagad nila ang panahon na sila’y magkasama.
Wala raw silang sinasayang na oras, kahit cellphone nila ay halos hindi na nila nagagamit kapag sila’y magkasama.
Wow ha! Pahinga naman kahit konti. Ha-hahaha!
Ayon pa sa sexy actress wala raw issue sa kanila ni John Lloyd, sabi nga niya wala raw silang mapagtalunan, palagi raw silang okay.
Lagi raw kasing nagtutugma ang mga gusto nilang gawin sa buhay.In fact, sa pagkakaalam niya ay very much together pa rin sila ni Lloydie at wala naman siyang alam na naghiwalay na pala sila.
Well, mabuti naman kung gayon.
Mahirap kasing mauwi lang sa lahat ang ipinaglaban nilang relasyon.
Baka pagtawanan lang sila ng mga exes nila.