KC payag na raw makatrabaho uli si Piolo: Kung gusto ng mga tao, bakit naman hindi!

kc concepcion at piolo pascual

PAYAG si KC Concepcion na makatrabaho uli ang kanyang ex-boyfriend na si Piolo Pascual sa telebisyon man o sa pelikula.

Ayon sa anak ni Megastar Sharon Cuneta, wala siyang nakikitang masama kung magkasama uli sila ni Piolo sa isang proyekto ng ABS-CBN o ng Star Cinema, pareho raw silang artista at hindi talaga maiiwasan na magkasama sila sa trabaho. Sey ni KC sa isang panayam, “Eh kung gugustuhin ba naman ng mga tao, bakit naman hindi natin ibibigay?”

Hirit pa ng dalaga, “Siyempre alam naman ng tao ‘yung history namin. Alam din ng tao ‘yung forgiveness na nangyari. Maganda yatang inspiration ‘yon, maganda yatang example ‘yon na you can get through anything. If it happens, it happens.” Hindi man aminin ni KC, mukhang magdyowa na nga sila ng football player na si Aly Borromeo, habang single pa rin until now si Piolo.

Pahayag pa ng dalaga, “I’m still currently under contract with ABS-CBN. There’s an offer for primetime and we are still studying ‘yung mga offers right now kasi lilipad din ako ng New York next week for an event and mayroon din akong UN work.”

“We are really balancing my time and schedule right now. Alam naman ng mga bosses ng ABS-CBN kung ano ang ginagawa ko, so will see kung ano ang perfect project for me,” dagdag pa ng Kapamilya singer-actress.

Maraming followers nina Piolo at KC ang nagsasabi na kailangan makaisip ng magandang materyal ang Star Cinema para sa dalawa dahil in fairness, meron pa rin naman silang magic na nagsimula noon sa Pinoy version na Lovers In Paris.

Read more...