Sulat mula kay Elsie ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Dear Sir Greenfield,
Maglilimang taon na kaming nagsasama ng mister ko ang malungkot nito until now wala pa rin kaming baby. Itatanong ko lang po kung magkaka-baby na ba kami ngayong taong ito ng 2016? Gusto ko rin pong malaman kung babae ba o lalaki ang unang magiging baby namin? July 8, 1980 ang birthday ko at December 25, 1980 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Elsie Lagao, Gen San City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang malinaw na Children Line (Illustration 1-1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sadyang napakalaki ng pag-asa na magkaka-baby pa kayo ni mister. Basta’t ang mahalaga, patuloy lang kayong umasa at manalig sa Maykapal. At upang mas madaling magka-baby, dapat din ang dagdag na exercise at kumain ng mga gulay at prutas. Sa ganyang paraan darating ang saktong panahon bigla ka na lang mabubuntis.
Cartomancy:
Jack of Hearts, Two of Clubs at Eight of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng isang malusog na baby, na nakatakdang mabuo sa taong 2017 at nakatakdang isilang sa taong 2018, kung saan, ang Jack of Hearts ay naghahayag na ang unang ninyong magiging supling ay isang cute at matalinong baby boy.
Itutuloy….