Iinit bang muli ang nanlalamig na relasyon? (2)

Sulat mula kay Samantha ng Poblacion, Pilar, Bohol
Dear Sir Greenfield,

1. Mag-iisang buwan na kaming hiwalay ng boyfriend ko, nakapanghihinayang kasi magpa-pasukan naman. At mapapasukan din noon ng kami ay magkaroon ng relasyon. Naisipan ko sumungguni sa inyo Sir Greenfield upang itanong kung magkakabalikan pa kaya kami. Minsan naiisip kong ako na ang magparaya o ako na ang unang tumawag sa kanya, kaya lang may pride din naman ako.
2. Ano sa palagay nyo, ako na ba dapat ang unang makipag-bati, kaysa mawalan ako ng boyfriend ngayong magpapasukan na at magkikita uli kami sa campus. At ask ko din po kung compatible po ba kami? September 16, 1997 ang birthday ko at April 29, 1997 naman ang boyfriend ko?
Umaasa,
Samantha ng Pilar, Bohol
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang boyfriend mo ang nagsasabing sadya at kapwa kayo compatible sa isat-isa, kung kaya’t anoman ang mangyari sa bandang huli – magkakabati at magkakabalikan din kayo ng kusa.
Numerology:
Ang birth date mong 16 at 29 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing kapwa kayo mabait at madaling magkakaunawaan, yon nga lang dahil medyo “ma-pride or ma-ego ka” tumatagal tuloy ang pagbabati ninyong dalawa. Subalit kung ikaw na ang magpaparaya at gagawa ng unang hakbang, tulad ng nasabi na walang ibang papatunguhan ang inyong relasyon kundi ang isang maligaya at pamnghabang buhay na pagmamahalan.
Graphology:
Masyadong matutulis ang mga letra at salita sa iyong lagda, kaya medyo maramdamin ka sa kasalukuyan. Bilugin mo at buksan ang ibabaw na bahagi ng letrang “a” sa iyong lagda, upang lalo kang maging “sensual” at mas maging malambing sa iyong minamahal.
Huling payo at paalala:
Samantha ayon sa iyong kapalaran, wag mo ng pairalin ang iyong “pride o ego” sa halip, ikaw na ang unang mag-text o tumawag sa iyong boyfriend upang kayo ay magkabati. Kahit na siya ang may kasalanan kung bakit kayo nagkagalit, hindi na mahalaga yon sa halip, patawarin mo na ang boyfriend mo anoman ang kanyang nagawang pagkakamali, at pagkatapos makipagbati ka sa kanya upang sa pasukang darating habang kasabay ang malakas na buhos ng ulan, muling iinit at lalo pang titimyas ang inyong maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Read more...