Power Duo ng PGT naghahanda na para sa Asia’s Got Talent

By Ervin Santiago May 28,2016
share this

Power Duo ng PGT naghahanda na para sa Asia’s Got Talent

By Ervin Santiago May 28,2016
share this

power duo

NAGBABALAK sumali sa mga international reality talent search abroad ang itinanghal na grand winner sa katatapos lang na Pilipinas Got Talent, ang acrobatic dance act na Power Duo.

Ayon sa real life couple na sina Anjanette at Garvin ng Angono, Rizal, na siyang nakapag-uri ng P2 million jackpot prize, naghahanda na sila sa pagsabak sa susunod nilang laban.

“Gusto po naming sumali sa international competitions, lalo na po sa Asia’s Got Talent po. Sana po makasali po kami,” ani Gervin sa isang panayam.

At dahil international contest na nga ang sasalihan nila, kailangan sumailalim pa sila sa matinding training para makagawa ng mga bagong acrobatic act na talagang pang-world class. Kung papalarin sa AGT, posibleng mag-champion din sila tulad ng El Gamma Penumbra.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending