Vina Morales engaged na sa French boyfriend, nagpakaligaya sa Europe

vina morales

SOSYAL ang 9th monthsary celebration nina Vina Morales and boyfriend Marc Lambert. Sa France lang naman sila nagbakasyon at nagpakaligaya sa piling ng isa’t isa.

Sa Instagram account ni Vina, ipinost niya ang ilang litrato nila ni Marc na kuha sa ilang tourist spots sa France tulad ng Saint-Tropez, Antibes at Juan-les-Pins. May isa pa silang photo na kuha sa kanilang hotel room na may caption na: “#MloveV #MVanniversary Super fun weekend with my love #hotelbyblos #sttropez Lovin’ this hotel!”

Kitang-kita sa itsura ng Kapamilya singer-actress ang kaligayahan habang kasama niya ang kanyang French boyfriend. Pero bago nga ito, ilang photos na ang ipinost ni Vina sa kanyang IG account na kuha naman sa Switzerland.

Dito nga napansin ng kanyang followers ang suot niyang singsing, ang paniwala ng marami ay engagement ring na ito at nag-propose na nga sa kanya si Marc. In fairness, halos lahat naman ng mga supporters ni Vina ay botong-boto sa boyfriend nito at sana raw ay ito na nga ang “the one” ng aktres.

Kamakailan, nag-post din si Vina ng ilang photos na kuha anman sa Geneva na may caption na: “MloveV Thanking Jesus Christ for everything. My favorite place in Geneva, what a beautiful church indeed, we’ve been visiting this church many times now for this trip and we will continue to visit and thanked God for all the good things.

“Will be posting some photos for our trips soon and to my love thank you for always being there for me and for always bringing me to my fave church here in Geneva. Have a great day my IG family, God is great all the time!”

Read more...