Ria Atayde kabado na, bibinyagan sa MMK

ria atayde at sylvia sanchez

HINDI maintindihan ng anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde ang nararamdaman dahil ngayong gabi na mapapanood ang unang salang niya sa Maalaala Mo Kaya kasama ang mga kaibigang sina Matt Evans at Joseph Marco.

Matagal nang pangarap ni Ria na magkaroon ng episode sa longest-running drama anthology sa Asia kaya naman nu’ng sabihan siya na may magandang role para sa kanya ang MMK ay talagang napasigaw siya sa tuwa.

Text ni Ria sa amin, “Hi Tita! Good Morning, I just wanted to share I did my first MMK ever this week and it will be airing on Saturday (ngayong gabi). Your support by watching it would mean to the world to me. I’m really nervous about it. u hu hu. But super thank you in advance, tita. Hope you get to watch.” Sabi namin sa dalaga, “Yes we will. Goodluck!”

Hirit ulit ng baguhang aktres, “Tita Reggee, grabe! Hindi ako makaiyak at first, as in O tears, part of me feels na parang I was overwhelmed, excited and pressured all at once so parang hirap talaga. Iba pala talaga pag MMK.”

Kuwento pa ni Ria, napansin daw talaga ng direktor nila na nag-struggle siya sa umpisa, pero sa ikalawang taping day nila ay sinabihan na raw siya ng, “Ria, that was beautiful. Thank You!’” Kaya sana raw ay magustuhan din ng viewers ang episode nila.

Sobrang nagpapasalamat din si Ria kina Matt at Joseph dahil talagang inalalayan siya ng mga ito. Talagang hinding-hindi raw niya makakalimutan ang tulong at suportang ibinigay sa kanya ng dalawang Kapamilya actors.

Read more...