Covered ba ng PhilHealth?

MAGANDANG araw po. Ako po si Imelda Bartolome ng Bulacan. ang nanay ko po ay mag-60 years old na. Wala po siyang trabaho. Covered po ba siya ng PhilHealth ko? Ang alam ko po kasi ay 60 pataas lang po ang covered ng PhilHealth. Sana po ay matulungan n’yo na magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Salamat po
G./Bb.:

REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!

Nais po naming ipaalam na maaari po ninyong ideklara bilang dependent ang inyong magulang kahit sila po ay wala pang 60 taon ngunit may permanenteng kapansanan.

Kung ang inyong magulang ay 60 taong gulang at pataas, maaari po silang magparehistro sa ilalim ng Senior Citizen caregory.

Ngunit kung sila po ay wala pang 60 taong gulang at walang permanenteng kapansanan, sila po ay nararapat na magparehistro bilang isang Informal Economy member (Individually Paying member) at magbayad ng PhilHealth contributions upang makapag-avail ng PhilHealth benefits.

Para po sa iba pang katanungan, maaari po kayong mag e-mail muli sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.

Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph

Salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Read more...