HUMAHAGULGOL si Andi Eigenmann nang aminin sa entertainment press na nagpaplano na siyang mag-quit sa showbiz dahil feeling niya ay katapusan na ng kanyang career.
Ayon sa aktres, isang eye opener para sa kanya ang makapunta sa 2016 Cannes Film Festival kasama ang kanyang inang si Jaclyn Jose na nanalo ngang Best Actress para sa movie nilang “Ma’ Rosa” directed by Brillante Mendoza.
“I’ve been so emotional since I’ve been to France. I was already in that part when I was on the verge of giving up na. My time is over in showbiz and what Filipinos really look for is really different from what I can offer,” paliwanag ni Andi habang iyak nang iyak.
Nagsimulang maging emosyonal ang dalagang ina nang tanungin kung ano ang feeling na hindi lang ang kanyang ina ang nanalo ng award sa isang international filmfest kundi pati na rin ang half-brother siyang si Sid Lucero na nagwagi namang Best Actor sa 19th LA Comedy Festival para sa pelikulang “Toto.”
“I get home to find out that my brother also brought the name of our country all the way to New York. It’s such a wonderful feeling to know that my family is really at it in terms of making sure that we will bring the name of our country, not just our last name,” sey pa ni Andi sa isang panayam.
Nagtuluy-tuloy pa ang pagluha ng aktres nang mapag-usapan ang kanyang namayapang ama na si Mark Gil, “I feel like my dad is just up there, looking down on us and being so happy. Sayang kasi wala na siya para ma-witness yun with us.”