PAMBALANSE raw ni Kim Chiu ang hosting job niya sa The Voice Kids Season 3 na magsisimula na this weekend.
Sa mga iniluluha raw niya sa soap nila ni Xian ay kailangan din niyang mag-freshen up kaya perfect ang pagdating ng TVK3, siya ang bagong makakasama nina Luis Manzano at Robi Domingo sa programa kapalit ni Yeng Constantino.
“Ninerbyos siyempre, pero mababait at supportive naman sina Luis and Robi kaya madali akong naging komportable sa show,” sey ni Kim sa mga co-hosts niya.
By the way, bongga kaming pinaalalahanan ng mga KimXi supporters na mas magiging active sila sa mga kaganapan sa The Voice Kids Season 3 bilang suporta sa Chinita Princess.
At talagang ayaw nilang tanggapin ang sey ng marami na sinalo umano ni Kim ang pinagsawaan na ni Alex Gonzaga.
Sa isang litanya na aming natanggap sa aming social media account, sinabi ng mga supporters and fans ni Kim na noon pa nila napapansin na pilit na pinagtatapat at pinaglalaban sina Kim at Alex kahit hindi naman daw dapat.
Hindi raw nila kering tanggapin na magkalebel nga ang mga ito dahil hamak na mas established as a big star si Kim kumpara kay Alex though ngayon nga lang susubukin ng rumored GF ni Xian ang hosting job.