Enchong sinisi ang sarili sa paglaylay ng career

ENCHONG DEE

ENCHONG DEE

SA panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Enchong Dee noong Martes ng gabi ay inamin ng aktor na sarili niya ang dapat sisihin kung bakit medyo nawala siya sa limelight ng showbiz.

Oo nga naman, halos tatlong taon nang walang teleserye si Enchong kaya marami na ang nakaka-miss sa kanya. Sa follow-up question ni kuya Boy na sa scale of 1-10 ay nasaan ang karera ngayon ng aktor, sagot ng binata – nasa 5 daw at wala naman siyang ibang taong sinisisi dahil siya ang may kagustuhan ng lahat.

Pag-amin ni Enchong, “It’s so hard to be regretful and at the same time mareklamo, di ba? If there’s anyone I can point fingers at it is myself, whatever failure or success that I have now is because of myself.”

At ngayong may pelikula na uli si Enchong kasama si Kiray, ang “I Love You To Death” produced ng Regal Enter Entertaiment ay talagang nagpapasalamat ang aktor kay Mother Lily Monteverde.

“It’s experimental working with Kiray. Sabi ko nga Regal invested on both of us and let’s be honest. I don’t think Star (Cinema) would just give us something like this kind of project. I’m happy for this project and excited to everyone enjoy the movie. Kasi it’s something new, something different, it’s a breather as an actor,” aniya pa.

Ipalalabas ang “I Love You To Death” sa Hulyo 6 mula sa direksyon ni Miko Libelo, ang baguhang direktor na protégé nina direk Jun Lana at PerciIntalan.

Samantala, ipagdiriwang na ni Enchong ang kanyang ika-10 taon sa showbiz at naglabas na siya ng ikalawa niyang album na may titulong “EDM” (Enchong Dee Moves) na mabibili na sa record bars simula sa Hunyo 3, distributed by Star Music.

Read more...