Kung susuko na rin si Sen. Miriam Defensor-Santiago hindi na kailangan pang tapusin ang opisyal na bilangan at maaari ng iproklama si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Atty. Salvador Panelo, abugado ni Duterte, sa gitna ng panawagan ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na hiwalay na bilangin ang boto sa pagkapangulo at bise presidente.
“If Senator Miriam would consider conceding today, the work of the joint congressional canvassing panel would be considerably eased, paving the way for presumptive president-elect Duterte’s swift proclamation,” ani Panelo.
Sinabi ni Panelo na kung maipoproklama na si Duterte ang pagtutuunan na lamang ng pansin ng National Board of Canvassers ay ang laban sa pagitan nina Marcos at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
“Senator Marcos’ desire for a separate canvass for the vice-presidency could best be addressed when Sen. Miriam concedes,” ani Panelo. “Bowing to the will of majority of the Filipino people is not an act of conceding to a particular candidate like Duterte. It’s statesmanship in its purest form.”
Si Marcos ang running mate ni Defensor-Santiago.
Ganito rin ang paniwala ni UE law dean Amado Valdez na abugado rin ni Duterte.
“If senator Bongbong Marcos wants a separate canvass for the vice-presidency, he should get Miriam to concede first,” ani Valdez.
Ilang oras matapos magsara ang halalan, nag-concede na kay Duterte si Sen. Grace Poe. Sumunod naman sina Mar Roxas at Vice President Jejomar Binay.
Sa pagkabise presidente, nag-concede naman sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Alan Peter Cayetano kay Robredo.
Dikit ang laban ni Robredo at Marcos. Sa unofficial canvassing ay lamang si Robredo ng mahigit 200,000.
Kung magko-concede si Miriam, Duterte maipoproklama na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...