Gay movie nina Edgar Allan at Michael nakalusot sa MTRCB

edgar allan guzman

PROUD na proud si Direk Joven Tan dahil ang nalalapit nang ipalabas na movie nilang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” got an R-13 without cuts.

The movie stars singing heartthrob Michael Pangilinan in his very first major screen role with Edgar Allan Guzman playing his gay-best friend na na-in love sa kaniya. Kasama rin sa movie sina Ms. Ana Capri, Katrina “Hopia” Legaspi, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Ms. Nora Aunor.

May premiere night ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa Tuesday, May 31 at 7 p.m. sa SM Megamall cinema 10 kaya lahat kayo’y invited. Hindi lang po pang-LGBT ang pelikula – para sa lahat ito dahil sabi nga nila, LOVE IS UNIVERSAL, di ba?

Sabi nga ni Tito Ronald Constantino, NEVER SAY NEVER sa isyu kung bibigay pa ang isang lalaki sa isang gay. Ha-hahaha! Naku, panoorin niyo na lang at tiyak na masisiyahan kayo. One kind of a film na hindi dapat pinalalagpas. Ang regular showing ng movie ay sa June 8 na sa maraming sinehan sa bansa.

Read more...