‘Pabor kami na bitayin ang mga drug lord at protektor ng droga sa Pinas!’

duterte523

ITO lang ang take namin hinggil sa rave party ng Close-Up recently kung saan may mga namatay nga among the audience.

Kahit ano pa ang pagtagong gawin ng ilan, maliwanag na “into something not legal and prohibited” ang mga biktima kaya sila namatay. Pasensya na po at patawarin kami ng mga kaanak ng mga nabiktima, pero hindi naman po tanga ang mga tao na magsasabing namatay on natural cause ang mga ito.

Kaya ang higit na dapat makunsensya sa pangyayari ay yung mga kasama nila at nagbenta/nagbigay ng mga ilegal na bagay. And lesson na rin po sa mga gaya naming parents na mas maging mapagmanman at maalaga tayo sa ating mga kapamilya dahil ang suma total po sa huli ay pagsisisi pa rin.

And yes, gaya ng kampanya ng bagong halal na Pangulong Digong Duterte, sugpuin ang droga, parusahan ang mga users and pushers at bitayin ang mga protectors at drug lords!!!

Read more...