Rhian biktima raw ng diskriminasyon sa France
NAKA-EXPERIENCE raw si Rhian Ramos ng diskriminasyon sa isang restaurant sa France. Um-attend ang Kapuso actress sa kasal nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa France last weekend.
Nag-extend pa roon ng kanyang stay si Rhian upang makapamasyal. Sa kanyang Instagram account idinaan ni Rhian ang nakakalungkot na experience niya nang mamasyal siya sa Mont St. Michael, isang isla sa Normandy, France.
Ayon sa post ng dalaga, “Thanks for the stroll, Mont St Michel! Also my first racist old lady experience in a galette (iba’t ibang uri ng flat round cake) restaurant with a woman who probably didnt like my fake French accent. Galette na galette siya!”
Marami naman ang nakisimpatya kay Rhian at nagsabing dapat daw ay tinalakan niya ang babaeng nang-okray sa kanya para hindi na nito ulitin ang ginawa sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.