Benjamin Alves 1 taon nakipag-date kay Pia, pero di umubra

benjamin alves at pia wurtzbach

HALOS isang taon din palang nag-date sina Benjamin Alves at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Ito ang diretsong inamin ng Kapuso hunk sa presscon ng bagong sexy comedy show ng GMA na A1 Ko SaYo. Aniya, halos buong taon ng 2014 sila nag-date ni Pia pero hindi raw talaga ito nauwi sa isang seryosong relasyon.

“In 2014, we used to date. Matagal din, most of 2014. Hindi talaga umabot sa level na naging kami, pero we’re still friends. I’m happy for her. “Before she joined Binibining Pilipinas, nung nanalo na siya, magkaibigan na kami. I watched her sa Binibining Pilipinas,” paliwanag ni Benjamin. Dagdag pa ng binata, hindi naman daw siya nanghihinayang sa napurnada nilang relasyon ni Pia, “Ganoon talaga, nangyayari talaga, but at least we’re friends.

“Ang ganda ng ginagawa niya with Miss Universe. I think she’s the most successful, most influential Miss Universe. We are all excited when she comes home,” sey pa ng Kapuso hunk na gaganap na “manyak” na gym instructor sa A1 Ko Sa Yo na magsisimula na sa June 2 pagkatapos ng Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad.

Nilinaw din ni Benjamin ang tungkol sa dalawa pang Kapuso stars na inili-link sa kanya – sina Glaiza de Castro at Kylie Padilla. “Yung kay Glaiza, ano talaga, we meet up, pero hindi naman talaga. Ako naman kasi, ang pinakahahabol ko, kung wala talagang mangyari, at least magkaibigan kami,” paliwanag ng aktor.

“Yung kay Kylie, once pa lang kami lumabas. After that, hindi na. The last time I would feel like na nagde-date ako was with Pia. That was the very last one. Yun talagang ang feeling ko na may pupuntahan na ganoon, but didn’t happen, but so close,” hirit pa ng Kapuso hunk.

Wala raw siyang dyowa ngayon, at wala rin daw siyang balak ligawan uli si Pia, “I think she’s gonna stay very busy with Miss Universe even after she has to give the crown, magiging bising-busy pa rin siya.
Aniya, “We’re not strangers to each other and pareho naman kami ng manager. Sa ngayon, I’m just happy that I have a friendly relationship with a Miss Universe. I’m just happy with that.”

Anyway, masayang-masaya si Benjamin dahil isinali siya ng GMA sa A1 Ko Sa Yo, ibang-iba naman daw ang magiging karakter niya rito. Challenging para sa kanya ang mag-comedy kaya nang i-offer sa kanya ang nasabing sexy comedy serye ay agad niyang tinanggap.

May pagkamanyak na gym instructor nga ang role niya rito at para sa kanya, isa itong hamon sa kanyang acting career dahil hindi naman daw siya manyak sa totong buhay.

Read more...