Vice swak bilang spokesman ni Duterte sa Malacañang

vice ganda

TANONG ng mga kasambahay ko na aliw na aliw sa mga punchline ni Vice Ganda sa It’s Showtime, “Ang tagal namang mag-move on ni Vice. Ganu’n ba katindi ang isyu niya sa pag-ibig?” Sagot ko naman, “Ganu’n talaga. Meron kang lifetime kung mag-emote. Ha-hahaha!’

Pansin na pansin daw kasi nilang lagi na lang kasali sa spiels o jokes ni Vice ang isyu ng kung sino mang nagbigay ng heartache sa kanya. Although we find it amusing and funny, siguro ay nagiging breather o escape na ni Vice ang paglaruan ang sariling emosyon. Win na win ang mga emote niya lalo na kapag “Tawag ng Tanghalan” na at may mga kantang humahagupit sa emosyon niya, asahan mong mauuwi ito sa paglilitanya.

The good part of the show is everybody seems to take it lightly at sinasakyan na lang nila. At ngayong nakabalik na si Jhong Hilario na lagi rin niyang kahugutan in the past, expect daw nating mas magiging riot pa ang true-to-life “hugot” ni Vice sa show.

Besides, siya mismo ang nagsabi na for the sake of high and good ratings, okey lang na magamit ang isyu sa kanyang lovelife and other personal matters. Gaya nga ng ginawa nila ni Angelica Panganiban sa Gandang Gabi Vice last Sunday kung saan bonggang-bongga rin ang mga rebelasyon at tsika ni Angge. Pero kung meron man kaming gustong-gustong laging binabanggit ni Vice sa ngayon ay ang isyu na may kaugnayan sa mga programa ng “change” ng bagong halal na Pangulong Duterte.

Winner na winner siya for us dahil naitatawid niya through his spiels ang mga relevant concerns ng gobyerno. Hindi kami magugulat o magtataka kung lagi man siyang panoorin o i-monitor ng kampo ni Digong dahil sa totoo lang, mas natural ang pagiging relevant niya sa mga mas mahahalagang isyu. Mahusay siyang spokesperson o tagahatid-balita. Hindi kaya bigla siyang kunin ni Digong para maging bahagi ng gabinete nito? Bakit hindi kung qualified naman siya, di ba?

q q q

Kahit nga si Karla Estrada ay kering-kering ipanalo ng bongga ni Vice kung sakali mang ituloy nito sa pulitika ang public service na ginagampanan nito sa It’s Showtime.
Sa lakas humatak at makaengganyo ng pang-ookray ni Vice, kahit kami ay napapaniwala nitong “with golden heart” si Karla. Ha-hahaha!

Read more...