BUMABA ang growth rate ng populasyon ng Pilipinas matapos makapagtala ng 1.72 porsiyento na paglaki ng populasyon noong 2015 kumpara sa 1.9 porsiyentong itinaas noong 2010.
Sinabi ni Commission on Population Executive Director Juan Antonio Perez III na nakapagtala ng 100.98 milyong populasyon noong isang taon, mas mababa sa naging pagtaya noong 2010.
Idinagdag ni Perez na ito’y dahil na rin sa pagdami ng gumagamit ng mga contraceptives.
Ayon sa datos ng pamahalaan, 38 porsiyento lamang ng mag-asawa ang gumamit ng artificial contraceptives noong 2010 kumpara sa 45 porsiyento noong 2015.
MOST READ
LATEST STORIES