SINABI ng Commission on Human Rights (CHR) na nilabag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Magna Carta of Women matapos naman ang kanyang kontrobersiyal na komento kaugnay ng panggagahasa at pagpatay sa isang Australyana.
“Words and actions of Mayor Duterte (were) discriminatory of women that is enjoined by the Magna Carta of Women,” sabi ng CHR sa isang resolusyon.
Inirekomenda rin ng CHR sa Civil Service Commission (CSC) at Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng kaukulang aksyon.
“The CHR has the sacred constitutional duty to protect human rights and to call out persons when these rights are violated no matter what their position in society may be,” sabi ni Chairperson Chito Gascon sa isang pahayag.
“The Commission believes that this mandate does not exculpate Mayor Duterte from acts committed or words uttered in the course of the electoral campaign when it involves breaches to fundamental rights, in this case, the prohibition of gender-based discrimination and violence,” dagdag pa ni Gascon.
Ito kaugnay namang ng rape joke ni Duterte hinggil sa panggagahasa at pagpatay kay Jacqueline Hamill noong 1989.
“P***** i**, sayang ito. Ang nagpasok sa isip ko, nirape nila, pinagpilahan nila doon. Nagalit ako kasi nirape? Oo, isa rin ‘yun. Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang,” sabi ni Duterte sa isang video na nag-viral.
Nauna nang sinampahan ng reklamo sa CHR si Duterte ng mga women’s group, kabilang na ang WomanHealth Philippines, Kasarinlan para sa Kalayaan, Sentro ng Manggagawa ng Pilipinas, Labor Education and Research Network, at Sagip-Ilog Pilipinas.