Duterte inspirasyon ng mga pambansang atleta

KUMPARA sa ibang naging pinuno ng bansa ay isang malaking inspirasyon sa mga pambansang atleta ang bagong halal na pangulo na si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ito ang pananaw nina Ian Lariba at Kirstie Elaine Alora na sasabak sa kanilang kauna-unahang Olimpiada sa darating na Agosto.

Si Lariba ay sa table tennis at si Alora naman ay sa taekwondo. Kasama nilang dumalo kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s, Malate si Philippine Olympic Committee (POC) 1st vice-president at Philippines chief of mission Joey Romasanta.

“It will be good for our athletes if our presumptive president will be with the delegation for it will give them inspiration and give their best for the country,” sabi ni Romasanta. “Usually, tatlong government invitations ang ibinibigay sa bawat kasaling bansa and isa sa iniimbitahan ang pangulo.

However, magkahiwalay lagi ang posisyon nila ng national Olympic committee president although magkakasama sa isang puwesto ang lahat ng head of state.”  Dagdag pa ni Romasanta, may 11 atleta na ang nakakuha ng slot sa 2016 Rio Olympics at maaari pa itong madagdagan.

Read more...