Nabasa namin ang letter and we feel that he/she is indeed a BIG FAN of Marya.
He/she is asking why Maricel is pictured as a DEVIL in her recent issue with Gerald Anderson who is being projected naman daw as API.
It’s not true naman na pinalalabas na MASAMA si Maricel.
Problem is, hindi siya nagpapalabas ng kanyang panig sa nangyari sa kanila.
And what she did naman sa taping ay talaga namang nakakaloka.
One sided daw ang issue at hindi napapakinggan ang panig ni Marya.
Well, siya naman ang ayaw magsalita, ‘no! Bakit hindi siya magpa-interview para once and for all ay malinaw niya ang mga issue sa kanya?
Bakit, may narinig ba kayong side ni Gerald?
Wala rin naman, ‘di ba? Ayaw din niyang magsalita ngayon, pero nagsabi siya na darating din ng oras na magsasalita siya, pero not this time.
And don’t question kung bakit nag-issue ng statement ang Star Magic, defending Gerald about the issue.
Gawain iyan ng manager ng kahit na sinong artista.
Kung tutuusin, puwede rin namang mag-issue ng statement ang kampo ni Marya pero hindi nila ginawa.
So, sino ngayon ang may kasalanan as to why Marya’s camp wasn’t heard?
To the letter-sender who is harping about Maricel’s more than two decades of working with ABS-CBN, this is not a question of LOYALTY.
And the mere fact na lumipat siya sa ibang network for a time does not define WHAT LOYALTY is all about.
Has the word LOYALTY taken a new meaning?