Sheena Halili biglang sinuwerte sa GMA; may sarili nang comedy show

sheena halili at betong

ISA sa mga masuswerteng Kapuso stars na produkto ng unang season ng Starstruck ay si Sheena Halili. Bukod kasi sa GMA Telebabad series na Poor Señorita, mga guesting sa iba’t ibang show ng Kapuso Network, binigyan pa siya ng sariling programa.

Siya ang magiging host ng bagong comedy reality show ng GMA na Laugh Camera Action! along with Betong Sumaya. Magsisimula na ito sa May 28, Sabado. Isa itong kakaibang comedy show kung saan every week ay may maglalaban na dalawang grupo ng comedians.

Kailangang mapatawa at ma-impress nila ang mga judges na sina Gladys Guevarra, Sef Cadayona at comedy director Caesar Cosme sa pamamagitan ng mga skit na ibibigay sa kanila nina Sheena at Betong. Walang idea ang bawat grupo kung anu-anong senaryon ang kanilang isasadula kaya mas spontaneous ang bawat eksena. Sa direksiyon ni Philip Lazaro, mapapanood na ang Laugh Camera Action sa May 28, pagkatapos ng Imbestigador.

Samantala, speaking of Poor Señorita, narito ang kailangan n’yong tutukan ngayong gabi. Itatanggi ni Maika (Sheena) ang suspetsa ng kanyang boyfriend na may namamagitan sa kanila ni Paeng (Mikael Daez). Maika even points out to Kilmer (Kevin Santos) that she should be the one harboring suspicions against her boyfriend because she does not really know what Kilmer does for a living.

Habang nasa mall, tatawagan si Kyle (Ayra Mariano) ni Apol (Miggs Cuaderno). Sasabihin niya na ayaw kumain ni Girlie (Caprice Cayetano) dahil miss na miss na nito si Rita (Regine Velasquez-Alcasid). Maririnig naman ito ni Edison (Elyson de Dios) kaya yayayain niya si Kyle at ang mga bata na mag-swimming. Habang nagkakasiyahan, lalapitan ni Apol si Kyla at tutuksuhin sila ni Edison. Pero laking gulat nila nang nasa swimming party din si Niña.

Later that day, Kyla accidentally overhears Niña telling Edison that she wants to get back together with him. Kyla assumes that the two have gotten back together. She lets out her emotions to Apol and Charisse (Jillian Ward). Sasabihin ni Kyla na wala siyang choice kundi itago ang kanyang feelings kay Edison. Maririnig ito ng binata kaya agad niyang kokomprontahin si Kyla.

Deborah (Snooky Serna), meanwhile, decides to go to Ligaya’s (Manilyn Reynes) house after a botched attempt to find Rita. She arrives at her friend’s mansion. While waiting for the dinner, she receives a phone call. She goes to the window to answer it. Just then, Rita comes out from the kitchen carrying a tray of food.

Read more...