Namatay na ex-BF napapanaginipan | Bandera

Namatay na ex-BF napapanaginipan

Pher Mendoza |May 25,2016
facebook
share this

Namatay na ex-BF napapanaginipan

Pher Mendoza - May 25, 2016 - 03:00 AM

HI Manang. Ako po si Marieya Senna Austria ng Candelaria, Quezon. Ako ay 20 years old.

Madalas ko pong mapanaginipan ‘yung ex kong namatay na kasama ang kasalukuyan kong boyfriend.

Hindi ko po alam ang ibig nitong sabihin dahil hindi ko naman po naiisip ang ex ko, na ang tatlong taon nang yumao.

Okay naman po kami ng boyfriend ko sa ngayon kaya nga nababahala ako na baka may kung anong pahiwatig ang panaginip ko. Tulungan nyo naman po ako. Salamat po….7002
Hi Marieya ng Quezon! Ayon sa aking pananaliksik at pagbabasa sa mga dream meanings, kung napanaginipan ang dating karelasyong yumao na at ikaw naman ay nasa maayos na relasyon, maaaring sign iyon ng prosperity at magandang senyales dahil ipinagpalit mo na ang dating buhay (life meaning with the ex) para sa mas masayang pagsasama at buhay sa bagong katipan.

Huwag mabahala, Marieya, it’s very common to have dreams about ex-es or past lovers.
Ang mahalaga ay masaya kayo ng boyfriend mo ngayon at matibay ang pagsasama.

Payo ng tropa

Hello Marieya,

Tingin ko lang din kahit papaano ay na-mi-miss mo rin ang namayapang mong BF kung kaya’t napapaniginipan mo pa rin siya hanggang ngayon, wala naman masama dun.
Ang mahalaga ay ok kayo ng bagong mong BF. Pagtibayin niyo at magmahalan kayo ng lubusan. Gudluck!
Ate Jenny!

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending