World Slasher Cup aarangakada bukas

AARANGKADA na bukas, Mayo 26, ang ikalawang sultada ng 2016 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang unang 135 foreign at local entries ay sasabak sa kompetisyon umpisa alas-10 ng umaga at ang mga nalalabing kalahok naman ay magsasabong sa Biernes.Ang 2-cock semifinals ay itinakda sa Mayo 28-29 habang ang mga entry na may 2.0, 2.5 o 3.0 puntos mula sa mga naunang rounds ay magsasagupa sa 4-cock pre-finals sa Mayo 30-31.

Ang 4-cock grand finals ay raratsada sa Hunyo 1 kung saan maghaharap ang mga entry na may 3.5 o 4.0 puntos. Ang nag-kampeon sa unang pagtatanghal ng 2016 World Slasher Cup 8-Cock Invitational Derby noong Enero sa nasabi ring venue ay ang mga entry ni Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm) at nina Mario Villamor, Ed Aparri at Atty. Art de Castro (Phoenix II).

Muling sasabak ang mga top breeders ng bansa at mananabong mula Estados Unidos, Australia at Indonesia.

Read more...