Presidente at VP sabay ipoproklama

rodrigo duterte
Sabay na ipinoproklama ang nanalong pangulo at bise presidente sa katatapos na eleksyon.
Ito ang sinabi ni House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II matapos manawagan ang kampo ni Sen. Bongbong Marcos na magsagawa muna ng manual audit bago ang canvassing.
Paliwanag ni Gonzales ito na ang kanyang ikaapat na pagkakataon na makasali sa National Board of Canvassers. Sa naunang tatlo ay sabay umanong ipinoproklama ang pangulo at bise presidente.
Sinabi ni Gonzales na iisang certificate of canvassing lamang ang gagamitin sa bawat lugar para sa dalawang pinaglalabanang posisyon.
Ang pagkakasunod-sunod ng pagbubukas na mga ballot box ay dumedepende kung ano ang unang dumating.
Sa susunod na linggo ay inaasahang maipoproklama na ang nanalo, ayon kay Gonzales.

Read more...