NAPAIYAK din si Andi Eigenmann nang magwaging Best Actress ang kanyang inang si Jaclyn Jose sa 69th Cannes Film Festival sa France para sa kanilang pelikulang “Ma’ Rosa” directed by Brillante Mendoza.
Ilan sa mga tinalo ni Jaclyn sa Best Actress category ang Hollywood actresses na sina Kristen Stewart, Marion Cotillard at Charlize Theron. Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Andi ang kanyang kaligayahan sa pagkapanalo ng kanyang ina lalo na’t personal niya itong nasakihan sa mismong awards night.
“My very own mother, to be the first ever Filipino to win the best actress award at the Cannes film festival,” unang tweet ni Andi. Sinundan pa ito ng, “Filipino pride, Ma’ Rosa herself, wins best actress at the Cannes Film Festival! Congratulations to my mom, the Jaclyn Jose!!!”
Kalat na ngayon ang isang video sa YouTube kung saan mapapanood ang acceptance speech ni Jaclyn na trending pa rin hanggang ngayon. Sey ng aktres, “I just went to have a red carpet walk with my daughter, my real-life daughter and my daughter in the movie also!”
Ngayong gabi, nakatakda namang um-attend ng presscon si Jaclyn para sa bago niyang comedy show sa GMA 7.