Payo ni Angelica sa sarili: Uyyyy girl, tama na! nakakaawa ka na!

angelica panganiban at john lloyd cruz

TAWA kami nang tawa sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday sa ABS-CBN dahil sa mga nakakalokang hugot lines ni Angelica Panganiban. Pero may mga moments din na naawa kami sa aktres dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin pala siya totally nakaka-move on sa break-up nila ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz.

“Ako nga hindi pa nakaka-move on. Konti na lang, malapit na,” ang pag-amin ng Kapamilya actress kay Vice Ganda. Patunay daw na hindi pa siya talaga nakaka-get over kay Lloydie ay ang pagtingin pa rin niya sa mga pictures nila ng aktor na magkasama.

Sey pa ng dalaga, ngayon talaga niya napatunayan na totoong-totoo ang karakter niya sa hugot movie nila ni JM de Guzman na “That Thing Called Tadhana”, yun na yun daw ang nangyari sa kanya matapos silang maghiwalay ni John Lloyd.

Kung minsan daw ay halos mabaliw na siya dahil naaamoy pa rin niya ang perfume ni Lloydie sa bahay niya. In fact, bumili pa raw siya ng pabango ng kanyang ex-dyowa nu’ng minsang mapadaan siya sa isang mall. Nang makauwi raw siya sa bahay ay nag-spray siya ng biniling perfume, at nasabi na lang niya sa kanyang sarili na, “Bakit ganu’n? Ba’t ko ini-spray, amoy na amoy ko tuloy! Ha-hahaha!”

Nang tanungin naman ni Vice si Angelica kung nagpupunta pa siya sa mga lugar na pinupuntahan nila noon ni Lloydie, sagot ng aktres, “Nung una hindi talaga. Kasi nag-Bali ako tapos may stopover na Hongkong…Pag labas ko pa lang bigla akong parang nilamon ako, umiiyak talaga akong mag-isa, tapos natatawa ako, tapos umiiyak ako habang naglalakad. Tapos umupo na’ko, tapos tumatawa na ako, sabi ko grabe para akong tanga. Tama na.”

Hirit pa ni Vice, “Sadya mong iniiwasan ang mga lugar?” na sinagot naman ni Angelica ng, “Oo, pero may nagsabi kasi sa akin na dapat daw dahan-dahan puntahan ko yung mga yun kasi kung hindi wala akong mapupuntahan, kawawa naman ako.” Pabiro pang hirit ni Angelica, “Muntik na akong lumipat ng network, pero sabi ko nga dahil may respect ako sa ABS-CBN, hindi na lang ako lilipat magre-retire na lang ako.”

Inamin din ng dalaga na nagkita at nag-uusap na rin daw uli sila ni John Lloyd after the break-up, “Oo nagkita naman kami, kasi nga tina-try naman namin yung best namin na maging magkaibigan naman kami. Ang sakit nga ng panga ko parang buong gabi masakit yung panga mo, pinipigilan mong maiyak tapos tatawa ka.”

Nagpapalitan pa rin sila ng text message ni Lloydie, pero kumustahan lang daw ‘yun, “Hindi naman madalas. Grabe naman yung madalas. Baka kung ano ang isipin ng mga tao. Hindi naman kami siyempre naglalandian sa text.”

Naalala pa raw niya ang isa sa mga text niya sa ex-BF noong panahong down na down siya, aniya, “Ang sakit sakit naman nito. Tama ba yung desisyon natin?” Dito na biglang naging emosyonal ang aktres at nagsimula nang umiyak, “Hindi alam mo seryoso, seryosong ano, baka nga maiyak pa ako e, nakita ko yung sarili ko na para bang sobra kang down.

“Kasi hindi ako nag-o-open up sa kaibigan ko, sa pamilya ko ganyan. So nung nakita ko yung sarili ko na ganun, (sabi ko sa sarili ko) huy girl tama na nakakaawa ka na, down na down ka na, bangon,” aniya pa.
q q q
Ano naman ang natutunan ni Angelica sa naging relasyon nila ni John Lloyd? “Pinakamagandang natutunan ko dito ay maging positive ka lang lagi. Siguro wala akong bitterness, wala akong ill feelings sa kahit na sino.”

Isang patunay daw na hindi galit ang aktres sa kanyang ex-boyfriend ay ni minsan ay hindi ito nagsalita ng kahit anong negative about Lloydie, “Hindi talaga. Kasi. ‘di ba hindi niyo na na-save ang relationship niyo as a couple, why not i-save ang relationship niyo bilang magkaibigan?”

Um-agree rin ang dalaga na kung tutuusin, hindi naman talaga matatawag na kabiguan sa pag-ibig ang nangyayari kapag naghihiwalay ang magdyowa. “Totoo. Kasi kung babalikan niyo, bakit ka magiging bitter ‘di ba, kung mas maraming beses ka naman naging masaya dun sa taong ‘yun. Walang katumbas ‘yung sayang ‘yun sa nangyaring paghihiwalay ninyo.”

Hirit pa ni Angelica, “Malungkot lang pero lagi mong iisipin kung bakit naging ganun kasakit kasi naging ganun ka kasaya. At dapat yun ang nagma-matter e, yung pinagsamahan niyo, yung saya, yung respeto na binigay ninyo sa isa’t isa and ‘yun hindi mo yun matutumbasan ng kahit na ano, para gawing katatawanan, yung pinagdaanan niyo ibulgar niyo sa mga tao kung ano naging problema ‘di ba?”

Read more...