Power Duo grand winner sa PGT; Binigyan pa ng standing ovation

power duo

DESERVING ang itinanghal na bagong Pilipinas Got Talent Season 5 grand winner – ang pang-world-class dance act na Power Duo.

Waging-wagi sa madlang pipol at sa mga judges na sina Vice Ganda, Angel Locsin, Robin Padilla at Freddie Garcia ang mag-asawang Anjanette at Gervin o mas kilala nga sa tawag na Power Duo from Angono, Rizal. Sila lang ang nakakuha ng average of 100 percent votes from the viewers and judges.

Sa kanilang final act para sa grand showdown ng PGT last Sunday, pinabilib at pinaluha ng mag-asawa ang mga manonood sa kanilang interpretive dance to the OPM classic “Ikaw Lamang”. Talagang binigyan pa siya ng standing ovation ng apat na hurado pati na rin ng mga nasa SM MOA Arena. Sila ang nag-uwi ng P2 million grand prize.

Sabi nga ni Vice, “Sa mundong punong puno ng napakaraming taong nananakit, pinaniwala niyo ulit ako sa pag-ibig. That was not just dance, that was love. And tonight, love wins.”  Sey naman ni Mr. FMG, “I’m completely amazed at the way you did your performance tonight. Ang ganda-ganda, wala akong masabi.”

Para naman kay Binoe, “When love talks, everybody listens. Love conquers all, sabi nga nila. Power Duo, you are the Helen of Troy of PGT. Panalo na kayo.”
Kung matatandaanm, ang Power Duo ang isa sa mga nag-audition na binigyan ng “Golden Buzzer” ng mga hurado.

Mas pinabilib pa nila ang lahat nang sumabak silang muli sa semifinals nang makapagbigay sila ng kakaiba na namang routine with the song “Wag Ka Nang Umiyak,” ang sikat na sikat na theme song ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang iba pang lumaban sa grand finas ng PGT5 ay ang Next Option, Crossover Family, Mastermind, Sto. Tomas Bulilit Generation, UA Mindanao, The Chosen Ones, Dino Splendid Acrobats, Power Impact Dancers at si Kurt Philip Espiritu.

Read more...