Gelli, Tuesday tsinugi na sa variety show ng TV5

gelli de belen at tuesday vargas

SINA Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Kim Idol at Janno Gibbs na lang pala ang main hosts ng Happinas Happy Hour ng TV5, natsugi na sa show sina Gelli de Belen at Tuesday Vargas.

Base sa kuwento ng aming source ay nagbawas daw 41% sa budget ng Happinas Happy Hour ang TV5 management kaya kailangang magbawas din ng tao ang show. Hindi na naman ito naging problema kay Gelli dahil balik-ABS-CBN na ang TV host-actress samantalang si Tuesday ay nag-beg off na.

Pawang mga guaranteed contract ng TV5 ang mga natirang host sa show, naisip namin kaya siguro sila ang itinira sa HHH ay dahil pinatatapos na lang ang kanilang kontrata. Samantala nagtatanungan din ang staff ng Kapatid network kung ano pa ang mapapanood sa network kung wala nang ip-produce ang entertainment unit ng istasyon.

Read more...