Canvassing ng boto sa pangulo at VP sisimulan ngayong araw

marcos-robredo-05091
Sisimulan na ng Kongreso Martes ng hapon  ang opisyal na canvassing ng mga boto sa pagkapangulo at bise presidente sa katatapos na eleksyon.
Kanina ay inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang House concurrent resolution 15 na nagpapatawag sa National Board of Canvassers.
Alas-2 ng hapon magsisimula ang NBOC at inaasahan na kanilang aaprubahan ang rules para sa pagbibilang ng boto.
Ang NBOC ang magbubukas ng mga balota na naglalaman ng mga resulta ng eleksyon sa mga probinsya at siyudad.
Sinabi ni House majority leader at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II na inaasahan nila na magiging madali ang pagbibilang ng boto para sa pagkapangulo dahil sumuko na ang mga kalaban ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte.
Pero ibang usapan umano ang laban sa pagkabise presidente dahil gitgitan ang laban ni Sen. Bongbong Marcos at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Ayon kay Gonzales iisang certificate of canvass lamang ang pagbabatayan ng boto para sa dalawang posisyon kaya hindi maaaring unahin ang boto sa pagkapangulo at ihiwalay muna ang boto sa bise presidente.

Read more...