INANUNSYO ng Manila Electric Company na magbababa ito ng singil sa mga residential customer nito ngayong Mayo.
Ayon sa Meralco, 41 sentimo kada kilowatt hour ang ibababa ng singil nito, na papalo na lamang sa P8.444 kada kWh.
Dahil diyan, asahan na umano ang kaltas na P82.45 sa mga kabahayang kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.
Ang pagbaba ng singil ay bunsod umano ng downward movement sa singil sa generation, transmission, taxes, at iba pang charges.
Kung susumahin, ang overall rate sa buwang ito, mas mababa ng P1.54/ kWh ang singil ngayon kumpara sa singil noong May 2015 na umaabot ng P9.98 per kWh.
Ito rin ang pinakamababang singil simula noong Enero 2010.
MOST READ
LATEST STORIES