P108M jackpot sa Biyernes

lotto for site
Inaasahang aabot sa P108 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P104.9 milyong jackpot prize noong Linggo kung saan lumabas ang mga numerong 31-40-42-51-6-18.
Nanalo naman ng tig-P280,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng limang numero.
Nagkakahalaga naman ng P2,940 ang 249 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 7,516 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo lamang. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.

Read more...