Quiboloy: Maayos ang relasyon namin ni Duterte

duterte-quiboloy-0520-620x349
SINABI ni Pastor Apollo Quiboloy na maayos ang relasyon nilang dalawa ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte.

“Hindi po ako nagtatampo kay Mayor,” sabi ni Quiboloy.

Ito’y matapos naman ang naunang pahayag ng tagpagsalita ni Quiboloy na si Mike Abe na dismayado ang spiritual leader ni Duterte matapos na hindi umano siya konsultahin sa pagtatalaga ng alkalde sa mga iuupong opisyal.

“Patuloy ang pagkakaibigan ko kay Mayor. Ako ay patuloy na mananalangin sa success ng ating susunod na Pangulo,” dagdag ni Quiboloy.

Idinagdag ni Quiboloy na naunawaan niya ang pagiging abala ni Duterte.

Pinuri rin ni Quiboloy si Duterte matapos sabihing mas importante ang interes ng bansa kaysa sa kanilang pagkakaibigan.

Read more...