Patuloy pa ring nangunguna ang Eat Bulaga sa puso ng bawat Pinoy sa buong Pilipinas.
Patunay nito ang lumabas na household ratings para sa Jan. 26 episode ng GMA noontime show mula sa Kantar at AGB Nielsen kung saan lumamang ang EB sa dalawang kasabayang shows na Showtime ng ABS at Wowowillie ng TV5.
Base sa Kantar, humamig ng 15% ang Eat Bulaga habang ang katapat na Showtime! ay nakakuha ng 12.1%.
Pumangatlo ang Wowowillie na may 9.1%. Sa Nielsen naman, 18.7% ang nakuha ng Eat Bulaga kumpara sa 11.5% ng Wowowillie at 10.2% naman ang Showtime.
Sa magandang resulta ng Eat Bulaga noong Enero 26 pati na ang sumunod pa nitong episodes, patuloy na maghahatid ng kasiyahan at tulong ang show sa mga Pinoy bilang pasasalamat sa walang sawang pagtangkilik.
Sa lahat ng tagumpay at papuri, “to God be the glory!” ang pasasalamat ng lahat ng taong nasa likod ng show.
Parang mahirap na ngang talunin ng kung ano pang katapat na shows ang number one noontime show for the past 30 years dahil this is basically a habit na for most of the Filipino families.
The fact na ito nga kauna-unahang local show na nagkaroon ng franchise sa ibang bansa (sa Indonesia), saan ka pa nga ba?
Sa bahay namin, since it started and we mean noong sa iba’t ibang networks pa ito,
Eat Bulaga na talaga ang pinapanood.
So, beware sa mga naglalabas ng balitang natalo na ang Eat Bulaga, hokey?