Planong pagpapakasal nina Sarah at Matteo napurnada; May mga kumontra

sarah geronimo at mateo guidicelli

MAY gagawin palang reality show si Sarah Geronimo sa ABS-CBN na tipong “making of a boyband” ang tema. Aksidenteng nabanggit ito sa amin ng isang taga-Dos at nagpapa-audition na raw.

Tinanong namin kung bagong hosting job ito ni Sarah G. na solo, pero ang sabi sa amin, “Parang one of the judges siya, I think.”

Huh, hurado ulit? E, bakit umayaw na siya The Voice Kids Season 3 bilang one of the coaches kung kapareho rin pala ang magiging papel niya sa bagong reality show ng ABS-CBN?

Inisip tuloy namin na baka nagbago na ang isip ni Sarah na bumalik sa pag-aaral kaya tumanggap ulit siya ng ibang programa bukod sa ASAP 20?

May running joke nga ngayon ang mga kapatid sa panulat, “Baka naman hindi natuloy ang plano nila ni Matteo (Guidicelli) dahil biglang dumagsa ang offer sa kanya (Matteo)?”

Ano ba ang plano ng aktor? “Mag-asawa, ano pa ba? Jonders (matanda) na ang lola mo, beinte otso na siya baka mahirapan na siyang manganak!” mabilis na sabi sa amin.

Parang wala pa rin naman din sa plano ni Sarah na mag-asawa, di ba bossing Ervin? (Feeling ko lang, gusto na rin nina Sarah at Matteo ang lumagay sa tahimik pero mukhang di pa ready ang mga taong nakapaligid sa kanila.

 

Read more...