Duterte adik din sa basketball, may mga plano rin sa mundo ng sports

 

KAHIT natalo sa eleksyon ang mahal naming kumpare at head coach ng Rain or Shine team sa PBA na si dating Cong. Yeng Guiao, masayang-masaya pa rin ito sa championship title na naibigay niya sa naturang koponan.
“Kung mahusay at mabuti kang tao, lagi kang bibigyan ng balanseng pagkakataon. He may have lost his bid to Congress, pero ayan naman, days after ng elections, nag-champion ang Rain or Shine,” sey sa amin ng isang kaibigan mula sa team na first time ngang makakuha ng titulo sa PBA.

Hindi raw kinakitaan ng anumang “bagahe” ng pagkatalo ang beteranong coach dahil alive na alive pa rin ang trademark nitong pagtataray at pagngangarag sa mga players niya during the crucial moments ng kanilang laban versus Alaska team.
“Magaling talaga siyang mentor. Napag-deliver niya ang mga tulad nina Paul Lee, JR Quinahan, Jeff Chan, Maverick Ahanmisi at ang pumutok nu’ng game six na si Jericho Cruz kahit pa nga ang import nila ay hindi naman matatawag na scoring machine,” dagdag na tsika ng aming kaibigan.

Pagkatapos nga ng championships ay sandaling magbe-break ang PBA at sa susunod ngang conference ay panibagong aksyon na naman ang ating masasaksihan, what with a new elected President like Mayor Digong Duterte na big fan din pala ng basketball. Posibleng may mga gagawin din si Duterte para sa mundo ng palakasan. Hmmm…sinong may sabing hindi nakukunek ang lahat from showbiz to sports to politics? Ha-hahaha!

Definitely not Manny Pacquiao na isa ng Senador ngayon at mas lalong hindi ang mga misis ng mga PBA players na may kani-kaniya palang raket kapag PBA time. O ayan Vice Ganda ha, alam mo na. Ha-hahaha!

 

Read more...